MGA ORASYON NG TAPIK AT DAW-DAW

 TAPIK AT DAWDAW


Nakararmdam ng matinding Hilo, Nasakit n tiyan at nasusuka kadalasan kapag pinabayaan ay lala pa ang nararamdaman may pagkakataon pinagpapawisan ng malamig kapag ganito ang naramdaman kinakailangan ang agarang patingin sa manggagamot lalo na pakiramdam mo ay ganito o di kaya ay kakaiba lalo na sa iyong pagkakatanda ay mayroon kang estrangherong nakasalamuha o nakasalubong lamang ang kadalasang pagkakataong ito ay tinatawag na TAPIK O DAW DAW


Magandang Araw at Magandang Gabi sa inyong lahat na nasa iba't ibang sulok ng mundo, naway masumpungan kayo  na payapa ang isip at maibsan ang kalungkutan o suliranin n gumugulo sa inyong mga isipan.

.

Ang Kulam o Tigalpo ay lubhang nakapipinsala sa isang tao maging ang barang, maihahalintulad rin ang TAPIK o DAW-DAW

Ang TAPIK ay ang pag tatapik sa balik ng target at ito'y kaagad na mabibigyan ng sakit na nakapipinsala maging ang tinatawag na DAW-DAW na ito'y pagpapainum o pagpapakain ng may Lason o nabulungan ng orasyon na posibleng nakamamatay ang epekto sa gagawan nito o Target nito.

Pamamaraan ito upang mabigyan ng sakit ang kanyang target,kapag makaramdam kagaya ng mga senyales na ito ay automatikong pumunta sa espirituwal na manggagamot, kung kaya't pinapayuhan na magkaroon ng mga pangontra o proteksiyon upng inyong maiwasan ang mga ganitong pangyayare dahilang iba ay umaabot pa s kamatayan sa kadahilanan na hindi kaagarang dinadala sa mga Espirituwal na manggagamot o Albularyo.

Ang TAPIK at DAW-DAW ay hindi na lang sa probinsiya o liblib na lugar, may pangyayare na rin na sa ka Maynilaan o kanayunan dahil ang mga ganitong gawain ay nagkalat na at naikalat na ang mga pangangaral ngmgamasamng gawain sa kapwa lalo na sa mganais makaganti s taong target nila, minsan din ay iniuutos lamang.

Sa mga kainan kagaya ng pyestahan o oksyon nagkakaroon ng pagkakataon at maging sa mga lugar na estranghero sa iyo ay may mga taong ibig maminsala na lang sa ibig nilang pinsalain tulad ngbigla ka na lamang tatapikin ng hindi mo kakilala o nakilala man lang.

Kung kaya't kung bago ka man sa lugar o mga okasyon ay magiingat po kayo..

Para hindi po kayo mabiktima ng mga ganito lalo na ang TAPIK kung makakauha kayo sa inyong mga kakilala na kahoy ng Sinag Araw o Piraso ng Sanga o kahoy ng BAGAWAK at kung  wala sa nabanggit ay mag dala ng pulang SiLI ilagay sa bulsa o pitaka basta nasa inyong katawan po dahil ang mga iyan ang makakapag protekta sa inyo laban sa orasyon nila sa pangtapik nia sa kaniang mga target pinsalain. 

Para kayo ay makaiwas sa tinatawag na DAW-DAW o panlalason sa isang mga kainan o inuman o makikiinom o may agaalok na ikaw ay painumin ng kape, tubig o kahit na anong inumin sa baso kung mapansin na naisawsaw ang parte ng daliri o buhok sa laman ng baso o pagkain dahil ito ang kanilang paraan upang makapang perwisyo o makapasok ang lason na nakalagay sa dulo ng kanilang kuko o dulo ng buhok. 

Para mas siguradong maiiwasan ay mas mabuting uminom na lamang ng nabibiling nakasarado pa na inumin o pagkain kung may mapagpipiliian naman at kung matitiis pa ang uhaw kung ikaw ay nasa lugar na walang mabibilhan nito. 

Kung halimbawang di maiwasan na kayo ay makumbida sa inuman o kainan sa mga lugar na di ninyo madalas na na pupuntahan ay narito po ang salitang lihim na maaaring bigkasin Ng tatlong ulit 

"AMAM HUCRAM AERICAM 

MULAM YNAM MULAP MUA-AM

MARI-ESEM

Pagkatapos ay iihip sa pagkain na kakainin o iinumin ng walang makapansin ng inyong gagawin. 

Narito naman po ang Salitang Lihim na inyong bibigkasin. Kung kayo ay may pupuntahang okasyon o bibisitahan na bagong lugar o papasyalan bago lumabas ng Pinto ng inyong bahay ay usalin ito ng tatlong  ulit

AMAM HUCRAM AERICAM MULAM

YNAM LILITOM EGOM ALELUYA

pagkatapos ay iihip sa inyong katawan ng pa krus tatlong beses po. 


At kung napinsala na kayo sa hindi inyo inaasahan o may kakilala kayo na nabiktima ng TAPIK O DAW-DAW  inuman ninyo ng asin at asukal ihalo sa maligamgam na tubig kapag natunaw na ay saka ipainum o inumin ito. Kung mayroon kauong asul na tawas ito ang ilagay sa maligamgam na tubig at ipainum ito. Ang ganitong sangkap ay upang mapasuka ang taong nabiktima at mailabas ang mga ikinain o ininum na mayroong lason. 

Kung wala kayong asin, asukal o asul na tawas ay gawin na lamang na ihanda ang baso na may lamang maligamgam na tubig at ibulong ito sa baso na may maligamgam na tubig 

"EEVAE EEMAE  ELOIM 

LAMUROC MILAM EGOTAC

ESBATAC ESPIRITO SANCTO

MARAMATAM DEUS MATER

( hipan ng tatlong ulit) 

At ipainum mo ito o sa nabiktima upang mailabas sa katawan at humupa ang sakit na narramdaman. 

Naway maktulong sa inyo sa hinaharap ang aking ibinahagi at naway huwag mangyare naman sa inyo o inyong maiwasan ito, kung kaya't akin po itong ibinahagi pra kayo ay bukas ang kamalayan sa ganitong pamemerwisyo ngmga makakaliwang gawain. 




Maraming Salamat


Comments

Popular posts from this blog

KAHOY NA SINUKUAN

BATONG OMO AT ang salitang lihim nito

DEBUSYON AT PAKAIN MEDALYON NG SAN BENITO